Tuesday, April 30, 2013

Trahedya ng gumuguhong bundok ng basura

Published in Pinoy Weekly
at  http://pinoyweekly.org/new/2013/04/trahedya-ng-gumuguhong-bundok-ng-basura/
by
April 30, 2013

 
Paulit-ulit na trahedya: Gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal, na ikinamatay ng apat katao. (Angela Colmenares-Sabino)
Paulit-ulit na trahedya: Gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal, na ikinamatay ng apat katao. (Angela Colmenares-Sabino)

Tatlong araw bago ipagdiwang ang Earth Day, isang nakagigimbal na balita ang tumambad sa atin noong Abril 19. Apat na tao ang natabunan ng gumuhong bundok ng basura sa Sityo Lucutan Maliit sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal, bandang alas-kuwatro ng hapon.

Kabilang sa kanila ang backhoe operator na si Gary Balahibo at mga maintenance personnel na sina Pablito Esto, Rovidico Olog, at Eddie Malano. Lahat sila’y mga manggagawa ng Rodriguez Sanitary Landfill na pag-aari ng International Solid Waste Integrated Management Specialist, Inc. (Int’l Swims).

Unang nahukay ang bangkay ni Garry at ang sinasakyan niyang backhoe noong Miyerkules. Kinabukasan nito, natagpuan si Rovidico at ang ibabang bahagi ng katawan ni Eddie. Patuloy pa rin ang paghahanap kay Pablito ng mga kawani mula sa pulis, militar, local government at Int’l Swims.

Mahigpit na security sa Rodriguez "Landfill". Bawal ang camera at media sa pagpasok dito -- Isang tipo ng panggigipit sa katotohanan. (Angela Colmenares-Sabino)
Mahigpit na security sa Rodriguez “Landfill”. Bawal ang camera at media sa pagpasok dito — Isang tipo ng panggigipit sa katotohanan. (Angela Colmenares-Sabino)

Pinaghihinalaang nangyari ang pagguho dahil tinatayang umabot na sa 100 talampakan ang taas ng basura at nakaapekto rin ang malakas na pagbuhos ng ulan dalawang oras bago naganap ang insidente. May mga residente rin na nagsabing nakarinig sila ng malakas na pagsabog mula sa karatig na quarrying site noong umaga ng Abril 19.

Ayon kay Marvin Madrid ng Protect Rizal, “Dahilan din ang patuloy at walang habas na pagpapasabog sa quarry na malapit sa landfill.”

Sa kasalukuyan, usad-pagong pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa tunay na sanhi ng trahedya.
Dagdag pa ni Madrid, “Imbes na kagyat na umaksiyon at magbigay ng tulong sa pamilyang naiwan ng mga biktima ng trahedyang sila mismo (gobyerno) ang may pakana, nagawa pa nilang magbulag-bulagan sa naganap na trahedya. Mas inantay pa nila na mag-ingay ang mga kamag-anak bago pa sila umaksyon.”

Imbestigasyon

Pinangunahan ng Task Force on Urban Conscientization -Association of Major Religious Superiors of the Philippines (TFUC-AMRSP) ang isang Fact-Finding and Solidarity Mission sa Sitio Lucutan Maliit noong Abril 24.

Naging bahagi ang manunulat na ito ng misyon bilang isang environmentalist at kinatawan ng Earth Island Institute Philippines. Bahagi rin nito ang Protect Rizal, Kasama-Montalban, Stewards of Creation, Promotion of Church People’s Response, Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), at Anakpawis.

Habang papalapit ang misyon sa naturang lugar, madadaanan ang mga pagawaan ng buhangin at iba pang materyales para sa konstruksiyon. Dito ibinabagsak ang mga batong hinahango mula sa kabundukan. Isang karaniwang tanawin sa maalikabok na kalsada ang mga kalbo at inukang bundok nang dahil sa logging at talamak na quarrying.

Itinuro ng guide ng misyon ang dating ilog ng Bambanin. Wala makikitang dumadaloy na tubig kundi puro tambak ng buhangin. Bago raw ang taong 2000, malalim at napapaliguan pa ang ilog. Mga taong 1980 pa raw nagsimula ang quarrying sa lugar, pero mula nang naging malakihan at mabilisan ang pagsaid ng mga kompanya ng quarrying sa yaman ng kabundukan noong taong 2000, hindi na nila nakitang malusog ang ilog.

Ganitong klaseng mga bato ang sinasaid ng mga kompanya ng quarrying sa Rodriguez, Rizal. Ayon sa mga batang nakapanayam ng awtor, binibili sa kanila ang ganito kalaking bato sa halagang dalawang piso. (Angela Colmenares-Sabino)
Ganitong klaseng mga bato ang sinasaid ng mga kompanya ng quarrying sa Rodriguez, Rizal. Ayon sa mga batang nakapanayam ng awtor, binibili sa kanila ang ganito kalaking bato sa halagang dalawang piso. (Angela Colmenares-Sabino)

Dagdag pa ng guide, halos araw-araw na nagpapasabog sa mga quarrying sites. Ito ang pinaghihinalaang sanhi ng pagyanig ng lupa na nagdulot ng pagguho ng karatig na bundok ng basura.
May impormasyong nakalap ang misyon na isa sa mga operator ng quarrying ang alkalde ng Rodriguez na si Mayor Cecilio “Elyong” Hernandez.  Kapitan sa barangay naman sa Brgy. San Isidro ang kanyang anak na si Dennis Hernandez.

Mahirap makapasok

Mahigpit ang seguridad para sa mga papasok sa “landfill.” May checkpoint pa ngang humarang sa sasakyan ng GMA-7, nang maganap ang misyon.

Nasaksihan ng mga miyembro ng misyon kung paano ito nabigong pumasok, kung kaya hindi sinabi ang ng mga miyembro ng misyon ang tunay na pakay noong inusisa ito ng mga pulis. Sa halip, sinabi nilang mga kamag-anak at kaibigan sila ng isa sa mga biktima.

Nakapasok ang misyon, pero binuntutan din ito ng isang pulis para muling usisain noong nakapanayam nito ang ilang residente sa komunidad.

Mula sa komunidad na pinakamalapit sa landfill, nagpasya ang misyon na maglakad patungo sa lugar na pinangyarihan ng pagguho para makapanayam ang pamilya ng mga biktima. Hinarangan ng mga malalaking bato ang kalsada, kung kaya hindi makararaan ang mga sasakyan.

May higit sa 30 minuto ang lakaran paakyat – kung saan sa tuktok ay matatanaw ang larawan ng mga sinalaulang mga ilog at kabundukan ng Rodriguez, Rizal.
Abril 24, 2012, Rodriguez Landfill: Nagtayo ng pansamantalang silungan ang pamilya ng biktimang si Pablito "Tikboy" Esto habang hinihintay na mahanap ang kanyang katawan sa gumuhong bundok ng basura. (Angela Colmenares-Sabino)
Abril 24, 2012, Rodriguez Landfill: Nagtayo ng pansamantalang silungan ang pamilya ng biktimang si Pablito “Tikboy” Esto habang hinihintay na mahanap ang kanyang katawan sa gumuhong bundok ng basura. (Angela Colmenares-Sabino)

Landfill’ o open dumpsite?

Nakasusulasok ang “toxic” at napakabahong amoy habang papalapit ang mga miyembro ng misyon sa gumuhong bundok ng basura.

Hindi malaman kung saan itatago ang aming ilong habang nasusuka at tila sasabog ang dibdib sa tindi ng baho ng pinaghalo-halong bulok na basurang galing sa kabahayan, fast food chains, hospital, pabrika, paaralan, at kung saan-saan pa. Ayon pa sa iba, masahol pa ito sa kulob na septic tank at kumakapit ang amoy nito sa damit at balat.

Hindi matatawag na landfill ang isang lugar kapag umaapaw nang lubos ang basura. Ang landfill batay sa depinisyon nito’y isang malalim na hukay kung saan ibinabaon ang mga nabubulok na basura at muling tinatabunan ng lupa. Sa kalagayang umabot na sa halos 100 talampakan ang taas ng halo-halo o di-segregated na basura, malayong tawaging landfill ang naturang lugar.

Mas lalong hindi’sanitary landfill’ na matatawag ang karimarimarim na tambakang itokung pagbabatayan ang Republic Act No. 9003, o Ecological Solid Waste Management Act of the Philippines. Malinaw na ito’y isang open dumpsite na ipinagbabawal ng naturang batas.
Nakakapanlumong malaman na apat na manggagawa ng "landfill" ang natabunan rito. Ang malagim na trahedya ng pagkamatay ng apat ay trahedya rin ng kawalan ng kaseryosohan ng pamahalaan na lutasin ang matagal nang problema sa basura. Sa halip, pinagkakakitaan pa ng iilang opisyal at negosyo ito. (Angela Colmenares-Sabino)
Nakakapanlumong malaman na apat na manggagawa ng “landfill” ang natabunan rito. Ang malagim na trahedya ng pagkamatay ng apat ay trahedya rin ng kawalan ng kaseryosohan ng pamahalaan na lutasin ang matagal nang problema sa basura. Sa halip, pinagkakakitaan pa ng iilang opisyal at negosyo ito. (Angela Colmenares-Sabino)

Matatandaang noong Setyembre 2008, naibulgar ang pagtatapon ng Rodriguez “Sanitary Landfill” ng leachate o nakalalasong katas ng basura sa ilog ng Rizal. Ang kawalan ng isang wastewater treatment facility ay isang mabigat na paglabag sa nabanggit na batas at sa Clean Water Act o RA 9275.

Pero hindi lang ang International SWIM ang dapat managot sa nasabing krimeng pagkalikasan. Malaki ang pananagutan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagbigay ng permiso sa operasyon ng “sanitary landfill”  gayong nasa isang kritikal na watershed areaito sa Sierra Madre. Maaaring maapektuhan ang mayor na mga ilog ng Tanay, Puray at Rodriguez at ang populasyon ng munisipalidad na aabot sa mahigit 223,594 katao o 24,524 kabahayan.

Ang bayan ng Rodriguez o mas kilala bilang Montalban ay isang relocation site ng mga pamilyang galing sa mga maralitang komunidad ng Metro Manila at Cavite.

Sa panahon din ng dating Enivronment and Natural Resources Sec. Lito Atienza ay pinahintulutan din ang pagpapalawak nito mula 14 ektarya hanggang 19 ektarya.

Tinatayang aabot sa 3,000 hanggang 3,500 tonelada ang basurang dinadala rito mula sa Metro Manila. Malaking salapi ang umiikot sa negosyo ng basura na napupunta sa operator ng landfill, kolektor ng basura at lokal na pamahalaan.

Noong taong 2007, naging dahilan ito ng hidwaan sa pagitan ni dating Mayor Pedro Cuerpo at ni Gov. Jun Ynares III. Tampok usapin dito ang kontrol sa operasyon ng nasabing landfill.

Mabuhay at mamatay sa basura

Nakakapanlumong isipin na apat na manggagawa ng “landfill” ang natabunan sa ganitong kahindik-hindik na kalagayan.

Ang malunod sa rumaragasang bulok na basura ay isa sa pinaka-nakaririmarim na paraan ng pagkamatay dito sa Pilipinas .Hindi ko maubos-maisip kung paano nahati ang katawan ni Eddie Malano sa lakas ng puwersa ng pagguho, sa init na nakalulusaw ng balat at laman, o sa antas ng pagkabulok ng katawang kinakain ng mikrobyo. Ang malinaw, hindi makatao ang paraan ng kanyang kamatayan.

Inabutan din ng misyon ang nahukay na backhoe mula sa gumuhong basura. Lasug-lasog na ito sa bigat ng basurang dumagan rito. Ano pa kaya ang katawan ng drayber na si Garry Balahibo?

Kung hindi makatao ang paraan ng kanilang kamatayan, hindi rin makatao ang paraan ng kanilang kinabubuhay. Dahil sa kawalan ng mahahanap na trabaho, napipilitan ang ilang mga residente na pumasok sa ganitong klaseng hanap-buhay. Bukod sa mapanganib ito sa kanilang kalusugan, hindi rin sapat ang kinikita nila sa pang-araw-araw.

Kabilang, halimbawa sa nasabak sa ganitong trabaho si Pablito Esto, o mas kilala sa lugar bilang Tikboy, na mahigit 11 taon nang nagtatrabaho sa Int’l SWIMS ay kumikita lamang ng humigit-kumulang P300 kada araw. Nagsimula siya sa sahod na P180 kada araw. Anim ang kanyang anak at kasalukuyang nagdadalang-tao ang kanyang asawa.

Mayroong 60 empleyado ang nasabing “landfill.”  Animnapung mga indibidwal na nabubuhay sa basura na maari ring kumitil sa buhay nila.
Katarungan para sa mga biktima ng gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal. (Angela Colmenares-Sabino)
Katarungan para sa mga biktima ng gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal. (Angela Colmenares-Sabino)

Paulit-ulit na trahedya

Matatandaan na noong Hulyo 2000, gumuho rin ang isang bahagi ng dumpsite sa Payatas dumpsite sa Quezon City. Mahigit 500 katao ang nasawi sa gumuhong 70-talampakang bundok ng basura.
Gumuho rin ang bundok ng basura sa Brgy. Irisan, Baguio noong August 27, 2011. Limang katao – dalawa ang bata – ang namatay. Noong Setyembre 29, 2011, gumuho naman ang dumpsite Brgy. New Cabalan, Olongapo City na kumitil rin sa dalawang buhay.
Ang malagim na trahedya ng pagkamatay sa pagguho ng tambakan ay trahedya rin ng kawalan ng kaseryosohan ng pamahalaan na lutasin ang matagal nang problema sa basura. Sa halip, pinagkakakitaan pa ng iilang opisyal at negosyante ito.

Ang nagdadalang-taong maybahay ng isa sa mga biktima ng gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal. (Angela Colmenares-Sabino)
Ang nagdadalang-taong maybahay ng isa sa mga biktima ng gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal. (Angela Colmenares-Sabino)

Iginigiit ng mga environmentalist na hindi kailangan ang open dumpsites o sanitary landfills kung ang bawat kabahayan at barangay ay may sistematikong paraan ng pangangasiwa sa basura. Ang tunay na“ecological waste management” ay magmumula at naglilingkod sa mga mamamayan, nakabatay sa lakas ng tao, at naayon sa batas ng kalikasan kung saan lahat ng bagay ay may patutunguhan, walang nasasayang at may pakinabang.

Bahagi ng isang malaking larawan ng papatinding suliraning pangkalikasan ang problema sa basura. Mahigpit na konektado ito sa nabubulok at umaalingasaw na sistemang pampulitika. Ang pakikipagsabwatan ng ilang mga opisyal ng pamahalaan sa malalaking negosyante ay isa sa malinaw na dahilan kung bakit hindi maresolba ang mga suliraning ito.

Samantalang habang sinasaid ng iilan ang likas-yaman at sinasalaula ang kalikasan, ang mga maralita ang higit na naghihirap. Sa lahat ng sakuna na ganti ng kalikasan, laging ang mahihirap ang mas bulnerable at nagiging pangunahing biktima.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=24024

FREE MALI!: I support PETA's campaign to FREE MALI, the lonely elephant in Manila Zoo. Please read why:

Since its beginning, Earth Island Institute has been against wild animal captivity. Be it marine or terrestrial, we believe that keeping wild animals in captivity is intrinsically cruel, destructive to the ecosystem, and neither serves the purpose of education nor conservation as it deprives them the capability to practice their essence and their innate behaviors in their natural habitat.

In the case of Mali, the captive elephant in Manila Zoo for more than thirty (30) years, we understand that the zoo cannot provide her the space and the physical and psycho-social stimulation that she needs. After those long lonely years in captivity, we believe that Mali deserves a retirement in a sanctuary that can cater to the elephant's need for vast spaces where she can freely roam, explore, play in a mud bath, eat fresh vegetation, and enjoy the company of other elephants.

Therefore, Earth Island Institute Philippines is in solidarity with PETA-Asia Pacific in all their efforts to bring Mali to a sanctuary. We also urge our friends to support this noble cause as it is quoted, “The greatness of a nation and its moral progress can be judged by the way its animals are treated” (Mahatma Gandhi).

The plight of Mali is significant to the animal welfare and environmentalist movement and to the issues that we stand for. The campaign's success would be a major breakthrough that would shake the captive industry and would strongly teach us a lesson to respect nature and rights of other creatures. 


Nang Tabunan ng Bundok ng Basura ang mga Manggagawa sa Rizal

Published in the Philippine Online Chronicles

http://www.thepoc.net/poc-presents/the-oy-project/73-poc-youth-articles/18390-trahedya-ng-gumuhong-bundok-ng-basura-sa-rizal.html 

Lubhang mapanganib ang landfill para sa mga mamamayan ng Rodriguez, Rizal… Nakakamatay!
Tatlong araw bago ipagdiwang ang Earth Day, isang nakagigimbal na balita ang tumambad sa atin. Noong ika-19 ng Abril, bandang alas-kwatro ng hapon, apat na tao ang natabunan ng gumuhong bundok ng basura sa Sitio Lucutan Maliit sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Kabilang sa kanila ang backhoe operator na si Gary Balahibo at mga maintenance personnel na sina Pablito Esto, Rovidico Olog at Eddie Malano. Lahat sila ay mga manggagawa ng Rodriguez Sanitary Landfill na pag-aari ng International Solid Waste Integrated Management Specialist, Inc. (INT’L SWIMS).

Unang nahukay ang bangkay ni Garry at ang sinasakyan niyang backhoe noong Miyerkules. Kinabukasan nito ay natagpuan si Rovidico at ang ibabang bahagi ng katawan ni Eddie. Patuloy pa rin ang paghahanap kay Pablito ng mga kawani mula sa AFP, PNP, LGU, at Int’l SWIMS.

Ganitong klaseng mga bato ang sinasaid ng mga kumpanya ng quarrying sa Rodriguez, Rizal. Ayon sa mga batang nakapanayam namin, binibili sa kanila ang ganito kalaking bato sa halagang 2 piso.
Pinaghihinalaang nangyari ang pagguho dahil tinatayang umabot na sa 100 talampakan ang taas ng basura at nakaapekto rin ang malakas na pagbuhos ng ulan dalawang oras bago naganap ang insidente.

Ayon kay Marvin Madrid ng grupong Protect Rizal, maaaring dahilan din ang patuloy at walang habas na pagpapasabog sa quarry na malapit sa landfill. May mga residente rin na nagsabing nakarinig sila ng malakas na pagsabog mula sa karatig na quarrying site noong umaga ng ika-19 ng Abril.

Sa kasalukuyan, usad-pagong pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa tunay na sanhi ng trahedya.
“Imbes na kagyat na umaksyon at magbigay ng tulong sa pamilyang naiwan ng mga biktima ng trahedya ay nagawa pa nilang magbulag-bulagan sa naganap na trahedya, mas inantay pa nila na mag-ingay ang mga kamag-anak bago pa sila umaksyon,” ani Madrid.


Fact-finding and Solidarity Mission

Pinangunahan ng Task Force on Urban Conscientization -Association of Major Religious Superiors of the Philippines (TFUC-AMRSP) ang isang Fact-finding and Solidarity Mission sa Sitio Lucutan Maliit noong ika-24 ng Abril.

Naging bahagi ako ng misyong ito bilang isang environmentalist at kinatawan ng Earth Island Institute Philippines. Bahagi rin nito ang Protect Rizal, Kasama-Montalban, Stewards of Creation, Promotion of Church People’s Response, Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), at Anakpawis.

Habang papalapit kami sa naturang lugar ay madadaanan ang mga pagawaan ng buhangin at iba pang materyales para sa konstruksyon. Dito ibinabagsak ang mga batong hinahango mula sa kabundukan. Isang karaniwang tanawin sa maalikabok na kalsada ang mga kalbo at inukang bundok nang dahil sa logging at talamak na quarrying.

Itinuro ng aming guide ang dating ilog ng Bambanin. Wala kaming nakitang dumadaloy na tubig kundi puro tambak ng buhangin. Bago raw ang taong 2000 ay malalim at napapaliguan pa ang ilog.Mga taong 1980 pa raw nagsimula ang quarrying sa lugar, subalit mula nang naging malakihan at mabilisan ang pagsaid ng mga kumpanya ng quarrying sa yaman ng kabundukan noong taong 2000, hindi na nila nakitang malusog ang ilog.
Dagdag pa ng aming guide, halos araw-araw ay nagpapasabog sa mga quarrying sites – bagay na pinaghihinalaang naging sanhi ng pagyanig ng lupa na nagdulot ng pagguho ng karatig na bundok ng basura.
May mga impormasyon kaming nakalap na isa sa mga operator ng quarrying ang alkalde ng Rodriguez na si Mayor Cecilio “Elyong” Hernandez. Barangay Chairman naman sa Barangay San Isidro ang kanyang anak na si Dennis Hernandez.

Mahigpit ang seguridad para sa mga papasok sa “landfill.” May checkpoint na humarang sa sasakyan ng GMA-7 na nauna sa aming sasakyan. Nasaksihan namin kung paano ito nabigong pumasok, kung kaya hindi namin sinabi ang aming tunay na pakay noong inusisa kaming mga pulis. Sa halip ay nagpanggap kaming mga kamag-anak at kaibigan ng isa sa mga biktima. Nakapasok kami ngunit binuntutan rin ng isang pulis para muling usisain noong kinapanayam namin ang ilang residente sa komunidad.

Mula sa komunidad na pinakamalapit sa “landfill,” ay nagpasya na kaming maglakad patungo sa lugar na pinangyarihan upang makapanayam ang pamilya ng mga biktima. Hinarangan ng mga malalaking bato ang kalsadakung kaya hindi makararaan ang mga sasakyan. May higit sa 30 minuto ang lakaran paakyat – kung saan sa tuktok ay matatanaw ang larawan ng mga sinalaulang mga ilog at kabundukan ng Rodriguez, Rizal.
Ang nagdadalang-taong maybahay ng isa sa mga biktima ng gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal.
“Landfill” o Open Dumpsite?

Nakasusulasok ang “toxic” at napakabahong amoy habang papalapit kami sa gumuhong bundok ng basura. Hindi ko malaman kung saan itatago ang ilong ko habang nasusuka at tila sasabog ang dibdib sa tindi ng baho ng pinaghalo-halong bulok na basurang galing sa kabahayan, fast food chains, hospital, pabrika, paaralan, at kung saan-saan pa. Masahol pa ito sa kulob na septic tank at kumakapit ang amoy nito sa damit at balat!

Hindi matatawag na“landfill” ang isang lugar kapag umaapaw ng lubos ang basura. Ang landfill batay sa depinisyon nito ay isang malalim na hukay kung saan ibinabaon ang mga nabubulok na basura at muling tinatabunan ng lupa. Sa kalagayang umabot na sa halos 100 talampakan ang taas ng halo-halo o di-segregated na basura, malayong tawaging “landfill” ang naturang lugar. Mas lalong hindi“sanitary landfill” na matatawag ang karimarimarim na tambakang itokung pagbabatayan ang Republic Act No. 9003, o Ecological Solid Waste Management Act of the Philippines. Malinaw na ito’y isang open dumpsite na ipinagbabawal ng naturang batas.

Matatandaang noong Setyembre 2008 ay naibulgar ang pagtatapon ng Rodriguez “Sanitary Landfill” ng leachate o nakalalasong katas ng basura sa ilog ng Rizal. Ang kawalan ng isang wastewater treatment facility ay isang mabigat na paglabag sa nabanggit na batas at sa Clean Water Act o RA 9275.

Subalit hindi lang ang International SWIM ang dapat managot sa nasabing krimeng pagkalikasan. Malaki ang pananagutan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagbigay ng permiso sa operasyon ng “sanitary landfill” gayong nasa isang kritikal na watershed area ito sa Sierra Madre. Maaring maapektuhan ang mga mayor na ilog ng Tanay, Puray at Rodriguez at ang populasyon ng munisipalidad na aabot sa mahigit 223,594 katao o 24,524 kabahayan. Ang bayan ng Rodriguez o mas kilala bilang Montalban ay isang relocation site ng mga pamilyang galing sa mga maralitang komunidad ng Metro Manila at Cavite.

Sa panahon din ng dating DENR Sec. Lito Atienza ay pinahintulutan din ang pagpapalawak nito mula 14 ektarya hanggang 19 ektarya.

Tinatayang aabot sa 3,000 hanggang 3,500 tonelada ang basurang dinadala rito mula sa Metro Manila. Malaking salapi ang umiikot sa negosyo ng basura na napupunta sa operator ng “landfill,” kolektor ng basura at lokal na pamahalaan.

Noong taong 2007 ay naging dahilan ito ng hidwaan sa pagitan ni dating Mayor Pedro Cuerpo at ni Gobernador Jun Ynares III. Tampok usapin dito ay ang kontrol sa operasyon ng nasabing “landfill.”

Katarungan ang hinihiling ng mga pamilya ng biktima ng gumuhong bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal

Ang mabuhay at mamatay sa basura

Nakakapanlumong isipin na apat na manggawa ng "landfill" ang natabunan sa ganitong kahindik-hindik na kalagayan. Ang malunod sa rumaragasang bulok na basura ay isa sa pinaka-nakaririmarimna paraan ng pagkamatay dito sa Pilipinas.

Hindi ko maubos-maisip kung paano nahati ang katawan ni Eddie Malano sa lakas ng pwersa ng pagguho, sa init na nakalulusaw ng balat at laman, o sa antas ng pagkabulok ng katawang kinakain ng mikrobyo. Ang malinaw ay hindi makatao ang paraan ng kanyang kamatayan.

Inabutan din namin ang nahukay na backhoe mula sa gumuhong basura. Lasug-lasog na ito sa bigat ng basurang dumagan rito. Ano pa kaya ang katawan ng drayber na si Garry Balahibo?

Kung hindi makatao ang paraan ng kanilang kamatayan, hindi rin makatao ang paraan ng kanilang kinabubuhay. Dahil sa kawalang ng mahahanap na trabaho, napipilitan ang ilang mga residente na pumasok sa ganitong klaseng hanap-buhay. Bukod sa mapanganib ito sa kanilang kalusugan, hindi rin sapat ang kinikita nila sa pang-araw-araw.

Si Pablito Esto, o mas kilala sa lugar bilang Tikboy, na mahigit labing-isang taon nang nagtatrabaho sa Int’l SWIMS ay kumikita lamang ng humigit-kumulang P300 kada araw. Nagsimula sya sa sahod na 180 kada araw. Anim ang kanyang anak at kasalukuyang nagdadalang-tao ang kanyang may-bahay.

Mayroong 60 empleyado ang nasabing “landfill.” Animnapung mga indibidwal na nabubuhay sa basura na maari ring kumitil sa buhay nila.

Paulit-ulit na trahedya

Hindi lang nakakapanlumo, bagkus ay nakagagalit na malaman na makailang-ulit na itong nangyari sa bansa ngunit wala pa ring signipikanteng pagbabago sa pag-iral ng mga dumpsites na lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao at kalikasan.

Sino ba namang makakalimot sa pagguho ng Payatas dumpsite sa Quezon City noong ika-10 ng Hulyo 2000? Mahigit 500 katao ang nasawi sa gumuhong 70-talampakang bundok ng basura.

Gumuho rin ang bundok ng basura sa Barangay Irisan, Baguio noong August 27, 2011, kung saan limang katao – dalawa ay mga bata - ang namatay.Setyembre 29, 2011 naman noong gumuho ang dumpsite saBarangay New Cabalan, Olongapo City na kumitil rin sa dalawang buhay.

Ang malagim na trahedya ng pagkamatay sa pagguho ng tambakan ay trahedya rin ng kawalan ng kaseryosohan ng pamahalaan na lutasin ang matagal nang problema sa basura. Sa halip, pinagkakakitaan pa ng iilang opisyal at negosyante ito.

Kung tutuusin, hindi natin kailangan ng open dumpsites o sanitary landfills kung ang bawat kabahayan at barangay ay may sistematikong paraan ng pangangasiwa sa basura. Ang tunay na“ecological waste management” ay magmumula at naglilingkod sa mamamayan, nakabatay sa lakas ng tao, at naayon sa batas ng kalikasan kung saan lahat ng bagay ay may patutunguhan, walang nasasayang at may pakinabang.

Ang problema sa basura ay bahagi lamang ng isang malaking larawan ng papatinding suliraning pangkalikasan. Mahigpit na konektado ito sa nabubulok at umaalingasaw na sistemang pampulitika. Ang pakikipagsabwatan ng ilang mga opisyal ng pamahalaan sa malalaking negosyante ay isa sa malinaw na dahilan kung bakit hindi maresolba ang mga suliraning ito.

Samantalang habang sinasaid ng iilan ang likas yaman at sinasalaula ang kalikasan, ang mga maralita ang higit na naghihirap. Sa lahat ng sakuna na ganti ng kalikasan, laging ang mahihirap ang mas bulnerable at nagiging pangunahing biktima.

Daraating ang araw na ang mga salarin sa mga trahedyang ito at mga kagaya nila ang siyang mababaon sa landfill ng kasaysayan kung saan mas nababagay ang kanilang mga kabulukan.


Hustisya para sa mga biktima ng trahedya! Hustisya para sa kalikasan at mamamayan!


Photos by Angela Colmenares. Some rights reserved.

Tuesday, April 23, 2013

Celebrating Earth Day: The Freedom Island coastal clean-up

Published in the Philippine Online Chronicles' The OY! Project
Tuesday, 23 April 2013 15:27 by  Angela Colmenares
http://www.thepoc.net/poc-presents/the-oy-project/73-poc-youth-articles/18335-celebrating-earth-day-the-freedom-island-coastal-clean-up.html


freedomislandphoto_1More than 200 people, mostly environmentalists, celebrated the Earth Day with a whole day coastal clean-up at the Las Pinas-Paranaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA) last April 20, 2013.

The coastal clean-up, led by Save Freedom Island Movement (SFIM), Earth Island Institute (EII) and partner organizations, served as a kick-off for a series of activities including photo and art contests, culinary competitions, bird lecture series, nature walk, essay writing, and other activities for the youth running up to the Ocean Month and International Fishermen’s Day in June.

According to SFIM & EII, the campaign seeks to promote awareness and appreciation of the environment as well as a demonstration of protection and restoration activities. The campaign is aimed to inspire people to clean up their surroundings and to sound the alarm regarding worsening environmental depletion, the group said.

The Importance of Freedom Island

freedomislandphoto_1 The Las Pinas-Paranaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA), also known as Freedom Island, is a bird sanctuary in an urban setting that was recently added to the Ramsar List of Wetlands of International Importance. It is said to be the last mangrove area in the National Capital Region (NCR) and has recently become controversial due to a widely-opposed P14 billion reclamation plan.

Groups say this will endanger its biodiversity and will spell peril for the livelihood of local fisherfolks depending on its rich marine resources.

The mangrove ecosystem serves as a feeding, nesting and nursery grounds for commercially important fish, prawns, mollusks, crabs and shellfish. High levels of organic matter found in the mangrove ecosystem means high productivity; this means more diverse range of living species can be supported.

It also functions as a habitat area for a wide array of organisms from planktons to birds. About more than 80 species of endemic and migratory birds were documented by the Wild Bird Club of the Philippines (WBCP) and DENR-NCR in the area. The list includes the already vulnerable Philippine Duck, Chinese Egret and the Pied Avocet.

Mangroves are said to be the Earth's “natural filtering system,” that absorbs pollutants like heavy metals, sewage drains, and toxic substances; stabilizes coastlines by catching sediments washed downstream; and help protect coral reefs and sea grasses from being smothered by such pollutants. It also forms a natural barrier, which protects the shore from sea surges especially during typhoons, and absorbs carbon dioxide that lessens the impact of global warming.

However, mangrove forests in Metro Manila were diminished years ago by massive reclamation projects. Threats of reclamation, relentless dumping of wastes and pollution continue to remain.

A continuing battle for Freedom Island and children

freedomislandphoto_1 The inclusion of Freedom Island to the RAMSAR list is a small victory for environmental groups and concerned citizens calling for the protection of the critical animal habitat.

“But the battle isn’t over yet. Proponents of the reclamation projects in Manila Bay are still pushing for their plan. While the government is more concerned of the profit that foreign investors would generate, thousands of families would be affected by loss of livelihood and shelter, floods, storm surges, and other environmental disasters that reclamations may cause,” says Glacy Macabale of Save Freedom Island Movement.

To demonstrate the saying “we do not inherit the earth from our ancestors, but borrow it from our children,” a group of children from the Bulungan Market community of Paranaque wore “environmental head gears” and performed an Earth dance to jumpstart the program.

“We live in very critical times. Our actions to save the environment now will have an impact on how our children will live tomorrow. We all need to act now,” Trixie Concepcion of Earth Island Institute said.
“This action is important as choosing the next leaders in the future. Now that we are in the election period, we must choose the right leaders with good track records on protecting the environment and the people. We are doing our part, the government should also do theirs,” Concepcion added.

Among the personalities and organizations who joined and supported the coastal clean-up event are Ms. Earth Philippines 2013 candidates, actor Raymond Bagatsing, Villar Foundation, Office of Bayan Muna Rep. Teddy Casino, Akap-Bata Partylist, Kabataan Partylist, local fisherfolks from the Unified Marketing Services Cooperative, Stewards of Creation, HBC employees, Young Nacionalistas, Smart Mountaineers, and volunteers from different environmental groups.

Photos by Angela Colmenares

Tuesday, April 9, 2013

US, $1.4 lang ang babayaran sa Tubbataha?


Pinagbabayad ng P58.3 milyon ($1.4 USD) ang US para sa 2,345.67 square meters na nasirang bahura sa Tubbataha Reef Natural Park. Ito ang lumabas na kompyutasyon batay sa pagtatasa ng joint assessment team na ipinadala ng pamahalaan nitong nakaraang Linggo.

Halos kalahati lamang nito kumpara sa tinatayang 4,500 square meters na inabot ng pinsala sa naunang pahayag ng Tubbataha Protected Area Management Board (TPAMB). Ayon kay Jose Lorenzo Tan, CEO ng World Wildlife Fund (WWF) Philippines at miyembro ng TPAMB, ang malaking pagkakaiba ay bunga diumano ng magkaibang metodolohiya na ginamit sa pagsukat sa napinsalang bahagi. Dagdag pa nya, ang huling kapamaraanan na isinagawa nila ay mas eksakto sa nauna.

Isinagawa ang nasabing pagtatasa noong April 3-4 ng mga eksperto sa siyensyang pandagat mula sa Tubbataha Management Office, WWF Philippines, UP Marine Science Institute at US Navy.

Makailang ulit ding nilinaw ni Angelique Songco, superintendent ng Tubbataha Park, sa kanyang mga pahayag na hindi nila binabalak na maniningil sa US ng higit sa itinakda ng batas. Ayon sa Republic Act 10067 o ang Tubbataha Reefs Natural Park Act of 2009, ang multa sa pagkasira ng bahura ay aabot lamang sa $300 o P12,000 bawat square meter at $300 bawat square meter para sa rehabilitasyon nito.

Magpapadala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng isang liham para singilin ang US Navy sa lalong madaling panahon, ayon sa TPAMB.

Babala sa posibleng “Greenwashing”

Samantala, nagbigay-babala sa publiko ang Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) at ang kumakandidatong senador na si Teddy Casino laban sa posibleng “greenwashing” o pagbaluktot sa resulta ng imbestigasyon pabor sa US.

Ipinahayag ng grupo ang kanilang pagkadismaya dahil sa paglahok ng US Navy sa imbestigasyon. Kaduda-duda rin para sa kanila ang pagtanggi ng Tubbataha Management Office (TMO) sa alok ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Office (UNESCO) na mag-ambag ng mga eksperto. Anila, hindi dapat isinasangkot ang US, na siyang salarin sa pagkawasak ng bahura, sa nasabing imbestigasyon.

Nauna nang ipinanawagan ng Pamalakaya, isang pambansang organisasyon ng mga mangingisda, ang pagkakaroon ng isang independiyenteng grupo ng ng mga eksperto na mag-iimbestiga sa kalagayan ng bahura at magrerekomenda ng mga hakbang para sa rehabilitasyon nito.

Binigyang-diin ni Salvador France, tagapagsalita ng Pamalakaya, na upang magkaroon ng isang kapanipaniwalang imbestigasyon, isa dapat sa mga naunang hakbang ay ang pag-alis sa partisipasyon ng US upang maiwasan diumano ang mga magkatunggaling interes sa proseso ng imbestigasyon.

Pagsangkot sa “stakeholders”

Sinabi ni Casino na mas nanaisin nyang makita sa naturang imbestigasyon ang representasyon ng mga mangingisda at iba pang stakeholders sa mga karatig na komunidad na apektado upang matiyak na hindi maisasawalang-bahala ang mga sosyo-ekonomikong epekto ng insidente.

“Wag sana nating kalimutan ang mga karaniwang tao na tiyak na maaapektuhan ng pagkasira ng Tubbataha Reef na nagbibigay buhay sa lahat ng palaisdahan sa Sulu Sea,” dagdag pa ni Casiño.

Minimal na hakbang ng gobyerno

Ayon kay Clemente Bautista ng Kalikasan PNE, maliban sa mga panimulang hakbang para tasahin ang kalagayan bahura, maliit ang naging pag-aksyon ng pamahalaan para maiwasan ang mga pinsala sa karagatan sa hinaharap. Wala pa rin diumanong ulat mula sa Philippine Coast Guard (PCG) tungkol sa imbestigasyon sa mga paglabag ng USS Guardian.

Bukod dito, wala pa ring malinaw na pagsisikap ang pamahalaan upang suriin at baligtarin ang mga makaisang-panig at mapanganib sa kalikasang mga kasunduan katulad ng Visiting Forces Agreement (VFA) na nagpapahintulot ng pagpasok ng mga sasakyang pandigma, armas at nukleyar ng US sa bansa.

Noong March 26, 2013, nagsumite ng protest letter ang Pamalakaya sa DFA laban sa pangunguna ng US sa imbestigasyon. Kinundena rin nito ang diumano’y “malambot” at maka-US na tindig ng pamahalaan tungkol sa nangyaring trahedya sa Tubbataha. Sa kasalukuyan, wala pa ring tugon ang ahensya sa nasabing reklamo.

Larawan: Protesta ng kababaihan laban sa rape ng Tubbataha ni Macky Macaspac mula sa PinoyWeekly.org

Friday, April 5, 2013

‘Double standard’ sa Tubbataha: Malupit sa mga mangingisda, maluwag sa Kano

Published in Pinoy Weekly Online
by Angela Colmenares-Sabino
April 6, 2013
http://pinoyweekly.org/new/2013/04/double-standard-sa-tubbataha-istrikto-sa-mga-mangingisda-maluwag-sa-kano/

Mga isdang huli ng mga mangingisda sa Palawan. Ayon sa pag-aaral ng UP Visayas, 200 tons per sq.km. kada araw ang isdang huli na mula sa Tubbataha. Sa di-bababa sa 4,500 sq.m. nasira sa reef dahil sa USS Guardian, mahigit sa 816 kilo ng isda kada araw ang nawawala sa mga mangingisda, o P48,987 kada araw, o P17,880,598.10 kada taon. (Angela Colmenares-Sabino)
Mga isdang huli ng mga mangingisda sa Palawan. Ayon sa pag-aaral ng UP Visayas, 200 tons per sq.km. kada araw ang isdang huli na mula sa Tubbataha. Sa di-bababa sa 4,500 sq.m. nasira sa reef dahil sa USS Guardian, mahigit sa 816 kilo ng isda kada araw ang nawawala sa mga mangingisda, o P48,987 kada araw, o P17,880,598.10 kada taon. (Angela Colmenares-Sabino)
Ganap na raw na naalis ng US Navy ang barkong USS Guardian na sumadsad sa pambansang yaman-dagat ng Pilipinas na Tubbataha Reef. Pero bukod sa nawasak na bahagi ng reef na daantaon ang kailangan para mabalik, ang hindi natin marekober: ang soberanya at karapatan ng mga mamamayang Pilipino na nayurakan ng armadong puwersa ng US.
Inanunsiyo ng administrasyong Aquino na nagbuo sila ng grupo ng mga eksperto na magtatasa sa pagkasira sa Tubbataha.
Pero sa naunang fact-finding mission ng mga grupong maka-kalikasan sa pangunguna ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya (Pamalakaya) noong nakaraang buwan, napag-alaman ang dagdag at malagim na epekto ng pagsadsad ng USS Guardian. Nanganganib ang kabuhayan ng maraming mangingisda ngayon sa Palawan dahil sa pagkasira ng di-bababa sa 4,500 metro kuwadradong bahagi ng Tubbataha na pangitlugan ng mga isda.
Sa pakikipanayam ng mga eksperto at grupong lumahok sa naturang misyon, napag-alaman din ang diumano’y double standard o di-patas na pagpapatupad ng batas sa nasabing marine protected area sa mga Pilipinong mangingisda at sa mga barkong pandigma at sundalo ng US na napapadaan at napupunta sa lugar ng Tubbataha at Palawan.
Dahil sa double standard na ito, namihasa umano ang mga barkong pandigma ng US Navy na di-igalang ang mga batas ng Pilipinas. Humantong ito sa pagkasira ng Tubbataha at pagsadsad dito ng USS Guardian.
Iba ang pagtrato
Sa fact-finding mission na tinaguriang “Sovereignty and Environmental Mission: A People’s Inquiry on Tubbataha Tragedy noong March 11-13, 2013, nakausap ng mga kalahok sa misyon ang mga mangingisda na naghayag ng kanilang mga hinanakit sa naturang double standard.
Mga kalahok sa sovereignty and environmental mission sa Palawan na pinangunahan ng Pamalakaya. (Phot courtesy: Angela Colmenares-Sabino)
Mga kalahok sa sovereignty and environmental mission sa Palawan na pinangunahan ng Pamalakaya. (Phot courtesy: Angela Colmenares-Sabino)
Isang “no-take zone” ang Tubbataha Reef National Marine Park (TRNMP) na nagbabawal sa pagpasok sa mga mangingisda at di awtorisadong sasakyang-pandagat.
Kuwento ng ilang mangingisda, naranasan na nilang mahuli, kumpiskahin ang kanilang bangka at at kasuhan. Marami sa kanila’y may mga kaso pang nililitis sa korte.  Anila, hindi na naibalik ang kanilang mga bangka at kinakailangan pa nilang magmulta nang labis sa kanilang kapasidad para lang di sila makulong.
“Walang konsiderasyon ang (Tubbataha Reef) management kahit na napadpad lamang kami nang di sinasadya dahil nasiraan kami ng motor o dahil sa sama ng panahon,” sabi ng isang mangingisda na tumangging magpakilala.
Pero sa bisa ng matagal-nang-binabatikos na PH-US Visiting Forces Agreement (VFA), hinayaan ng gobyerno ng Pilipinas na makatakas ang 79 tripolante ng USS Guardian patungong Sasebo, Japan at mas pangunahin pang binigyan ng proteksiyon ang “seguridad” ng naturang barkong pandigma kaysa sa yamang-dagat at kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda.
Malaking kawalan
Nagsumite ng petisyon sa tanggapan ni Palawan Gov. Abraham Mitra ang tagapagsalita ng Pamalakaya na si Salvador France. (Angela Colmenares-Sabino)
Nagsumite ng petisyon sa tanggapan ni Palawan Gov. Abraham Mitra ang tagapagsalita ng Pamalakaya na si Salvador France. (Angela Colmenares-Sabino)
Sa opisyal na pag-aaral Unibersidad ng Pilipinas-Visayas noong 2010, nakasaad na malaki ang kontribusyon ng Tubbataha Reef sa produksiyon ng isda sa karagatan ng Visayas at maging sa mga karatig-bansa tulad ng Malaysia at Indonesia.
Tinatayang limang ulit ang dami ng makukuhang isda sa Tubbataha kumpara sa ibang malulusog na bahura na aabot sa 200 tonelada bawat kilometro. Kung ito ang pagbabatayan, ayon sa Pamalakaya at ng katuwang nitong mga grupo ng environmentalists at marine scientists na lumahok sa misyon, tinatayang 816.47 kilo kada araw ang maaring mawala sa 4,500  metro kuwadrado na nasirang bahura o katumbas ng halagang P48,987 bawat araw o P17,880,598.10 sa isang taon sa produksiyon ng isda pa lamang.
Samantalang ang rehabilitasyon ng nasirang bahura ay maaring umabot ng 250 taon. Depende pa umano ito sa uri ng mga korales, temperatura at iba pang partikular na kalagayan sa lokasyon ng bahura.
Para masusing mapag-aralan ang laki ng pagkasira, epekto, kailangang rehabilitasyon, at mga panukala upang higit na pangalagaan ang Tubbataha, susi ang pagkakaroon ng direktang imbestigasyon sa naturang kalagayan ng independiyenteng mga grupo ng mga dalubhasa at stakeholders, ayon sa Pamalakaya.
Naniniwala ang Pamalakaya na kabilang dapat sa tinuturing nastakeholders ang mga mangingisda. Sila, higit pa sa mga turista, ang pangunahing maaapektuhan sa pagkasira ng ating yamang-dagat.
Pero wala o kulang diumano ang kanilang representasyon, at maging impormasyon, sa anumang kaganapan sa Tubbataha. Bukod pa rito, pahihintulutan lamang ang mga tagapagmasid sa layong 500 metro sa lugar ng insidente at ipinagbabawal din ang pagkuha ng litrato, ayon Philippine Coast Guard.
Panukala sa gobyerno
Sa isang liham kay Palawan Gov. Abraham Mitra noong Marso 13, naghain ang misyon ng mga panukala at kahilingan sa lokal na pamahalaan ng Palawan. Laman ng naturang liham ang diumano’y kahilingan ng mga mamamayan ng Palawan na magkaroon ng bukas-na-pakikipag-usap at pamamahagi ng impormasyon hinggil sa kalagayan ng Tubbataha.
Inireklamo na rin ng grupo ang double-standard na patakarang pinaiiral laban sa mga maliliit na mangingisda at pabor sa mga tripolante ng mga barko ng US tulad ng USS Guardian.
Hinimok ng grupo si Mitra na manindigan para sa pagtitiyak sa mabilis, epektibo at ligtas na pagtanggal sa nabahurang USS Guardian. Bukod dito, iminungkahi din nila ang pagkakaroon ng isang independiyenteng imbestigasyon sa implikasyon ng pagkawasak ng ilang bahagi ng bahura.
Pinaglilimian din ng mga lumahok sa misyon ang pagsasampa ng isangclass suit sa internasyunal na korte laban sa mga salarin. Kailangan din umano magbuo ng kongkretong mga hakbang para maiwasan ang katulad pang mga trahedya gaya ng agarang pagbabawal sa mga sasakyang pandigma at mga sundalong Amerikano sa teritoryo ng bansa at pagpapawalang-bisa sa VFA.
Bukod dito, ipinanawagan ng misyon sa lokal na pamahalaan ng Palawan ang pagbabasura sa mga kaso laban sa mga mangingisdang nahuli sa Tubbataha. Kailangan umanong ibalik ang kanilang kinumpiskang mga bangka. Kailangang manindigan umano ang Palawan para sa kabuhayan at karapatan ng mga mangingisda.
Kabilang sa mga lumahok sa misyon ang mga mangingisda ng Puerto Princesa, Pamalakaya, Anakpawis Party-list, Earth Island Institute Philippines (EII-Phils), Fisheries Marine and Environmental Research Institute (FMERI), Sentro Para sa Tunay na Repormang Agraryo (SENTRA), Katribu Party-list, Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog, College Editors Guild of the Philippines (CEGP)-Palawan, Anakbayan-Palawan, at International Fisherfolk and Fish Workers Coalition (IFWC).
* * *
Si Angela Colmenares-Sabino ay isang 
environmental activist at naging bahagi ng “Sovereignty and Environmental Mission: A People’s Inquiry on Tubbataha Tragedy”

Monday, April 1, 2013

A study from UP Visayas estimated that the Tubbataha reef yields 200 tons per sq.km. a day. With at least 4,500 sq.m. damaged due to the USS Guardian grounding, that would be 816.47 kilos lost per day which is equivalent to P48,987 per day or P17,880,598.10 per year!